domingo, 28 de agosto de 2011

Kim Chiu, ayaw mag-entertain ng manliligaw!

Hanggang ngayon, marami pa rin ang nagsasabi na na-trauma talaga si Kim Chiu sa naging relasyon nila ni Gerald Anderson, kaya hirap siyang mag-entertain ng mga manliligaw ngayon.

“Hindi naman. Sa ngayon gusto ko lang munang i-enjoy ang buhay ko, kasama ang mga taong nagmamahal sa akin, ang mga kaibigan ko.

And hindi ko pa kasi nahahanap ‘yung totoong taong magmamahal sa akin, ‘yung seryoso,” sagot niya.

So, puwede bang sabihin na hindi pa niya nahahanap ang lalake na makakapantay sa ginawa ni Gerald sa iyo?

“Ha! Ha! Ha! Ha!” tawa lang ni Kim.

Siyempre, iba pa rin ang pinagsamahan ninyo ni Gerald.
“Oo naman! Hindi ko naman makakalimutan ‘yun!

“Kami ni Gerald, we’re good friends. Nagkakamustahan kami.”

Nu’ng kumustahin namin kay Kim ang varsity player ng Ateneo na si Simon na nagyaya sa kanya na mag-date sila noon, sinabi ni Kim na hindi natuloy ang date at hindi na ito nagyaya pa uli.

“Hindi na ako nag-eentertain pa. Ang dami ko pang ginagawa, busy pa ako. Mahirap kasi ‘yung hindi mo kakilala.”

Ayon nga kay Kim, ready pa rin siyang magmahal ulit, pero hindi raw sa ngayon.

“Sa ngayon lang talaga, wala po kasi ‘yung taong magpapatibok ng puso ko, ‘yung magpapahaba ng hair ko. Pero meron namang mga nagpaparamdam,” saad niya.

May artista ba sa na nagpaparamdam?
“Yes!” sey pa ng bida sa My Binondo Girl.

No hay comentarios:

Publicar un comentario