MOVIE WITH KIM CHIU. Sunod na naikuwento ni Ate Vi ang tungkol sa story conference kamakailan para sa pelikulang gagawin nila ni Kim Chiu para sa Star Cinema, ang The Healer.
Nakapag-usap na raw sila ng young actress.
"Oo naman. She's so sweet," sabi niya tungkol kay Kim.
"Ano... nahihiya, e. Ang tawag niya lagi sa akin, 'Governor.'
"Sabi ko, 'Puwede Ate Vi na lang?'
"Hindi raw siya makapagsalita. Sabi ko, 'Paano tayo magtatrabaho?'
"Sabi ko, 'Ate Vi na lang.'
"Tapos, sabi ko rin, 'Huwag kang mag-alala, dadalhan kita ng maraming siomai sa shooting.'
"Paborito niya ang siomai, e, di ba?
SOMETHING NEW. "Pero I'm excited, kasi itong magkakasama kami sa isang pelikula... Naalala n'yo ang Anak?" pagtukoy ni Ate Vi sa pelikulang pinagsamahan nila noon ni Claudine Barretto.
"'Yong bagets pa rin si Claudine noon, e. Naaalala n'yo? Parang ang feeling ko, gano'n.
"'Yong hindi dahil sa loveteam kung hindi... may bagong chemistry, e, di ba?
"So, ako ngayon, na naghahanap din ng bagong puwedeng kong gawin sa tagal ko na sa industriya, ang feeling ko, bago ito.
"Parang masarap paglaruan. Masarap i-prepare.
"E, Chito Roño pa [ang direktor]. Tapos, horror-suspense pa.
"So, exciting, e. Bago. Iyon ang excitement ko—bago.
"I'm really excited with this movie kasi something new to offer.
"Unang-una, siguro teenager pa ako no'ng ginawa ko 'yong Anak Ng Aswang, 'yong mga pelikula kong horror no'ng araw.
"Ngayon, gagawa ako ng isang suspense na... hindi naman ito horror na may lalabas na aswang. Hindi, e.
"Alam n'yo uso ngayon na... mga faith healer? 'Yong mga hindi nakakapagpagamot sa doktor, ang istorya, diyan iikot.
"So, it's something new, tapos with Kim Chiu pa.
"Sa akin, excited ako kasi bago. Iyon lang naman ang puwedeng makapagpa-excite sa akin kapag may puwedeng bagong gawin.
"Maganda 'yong movie.
"And if we will talk about Chito... Alam n'yo naman ang kalibre ni Chito, sa totoo lang.
"E, ilan na ba ang nagawa ko kay Direk Chito?
"Pang-apat na yata ito—Ikaw Lang [1993], Dekada '70 [2002], Bata Bata, Paano Ka Ginawa? [1998]... Fourth na ito, di ba?
"A, 'yon pa, sinasabihan ko si Kim Chiu, natatakot daw siya kay Direk Chito!" tawa ng multi-awarded actress.
"First time daw niya with Direk Chito Roño.
"Sabi ko, huwag. Kasi si Direk Chito, kung sinasabi nilang napaka-istrikto, matututo ka diyan.
"Sabi ko, kasi ang maganda sa kanya, kahit sumigaw-sigaw 'yan, hindi puwede kay Chito Roño ang puwede na.
"Which is good, kasi at the end of the day, kaming mga artista naman ang makikinabang diyan, e, di ba? Na hindi siya pumapayag na puwede na.
"And ang gusto ko rin, 'yong Star Cinema, nag-a-adjust. Hindi ako pinipilit na kailangang every day [ang shooting].
"Kasi alam nila ang trabaho ko rito [sa Batangas], e.
"Kapag sinabi kong hindi ako puwede this day, kasi may importante akong dapat gawin sa Batangas, okey sa kanila 'yon. So, uma-adjust talaga.
"E, hindi naman lahat puwedeng mag-gano'n, e, di ba?"
No hay comentarios:
Publicar un comentario